National

VACC Region-3, nilinaw na walang namatay na 3 kabataan dahil sa ‘Dengvaxia’

KINUMPIRMA ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) Region 3 na
walang namatay dahil sa Dengvaxia vaccine sa Central Luzon.
Ito ang pahayag ni VACC Region-3 Coordinator Pyra Lucas kasunod ng sinabi ni
VACC Founding Chairman Dante Jimenez na may tatlo umanong bata na naturukan
ng naturang bakuna ang namatay sa rehiyon.
Ayon kay Lucas, walang nauulat sa DOH Region-3 kaugnay sa umano’y kaso ng
pagkamatay mula sa mga naturukan ng naturang bakuna mula sa Central Luzon.
Nilinaw din ng Sanofi Pasteur na hindi nakamamatay ang severe effect na maaaring
idulot ng bakuna sa mga hindi pa dinadapuan ng dengue.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *