Sports

Utah Jazz, pinalawig pa ang winning streak

Pinalawig pa ng Utah Jazz ang kanilang winning streak sa nagpapatuloy na NBA season.

Ito ay matapos na talunin ng Jazz ang Phoenix Suns sa iskor na 107-97

Dinomina ng Jazz ang first half ng kanilang laban kung saan tinapos ito ng koponan na may siyam na puntos na kalamangan sa Suns.

Bahagya namang nakabawi sa third quarter ang Suns kung saan naidikit ng koponan ang kanilang iskor sa Jazz.

Pagsapit ng huling quarter napanatili ng Jazz ang kanilang kalamangan hanggang huling minuto ng laro.

Itinanghal namang player of the game si Donovan Mitchell na may 24 points, 4 rebounds at 7 assist.

Sa ngayon, hawak ng Jazz ang 30 wins at 28 losses at may 11 winning streak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *