Balikatan Exercises 2018
National

US-RP Balikatan Exercises 2018, umarangkada

Umarangkada na ang Balikatan Exercises 2018.

Sa kanyang talumpati sa simula ng joint Philippine-US military exercises, sinabi ni AFP Chief of Staff Lieutenant General Carlito Galvez na malaki ang kontribusyon ng balikatan sa inter-operability at kahandaan ng Pilipinas.

Pinasalamatan ni Galvez ang mga kaibigang Amerikano na tumulong sa kanila para makamit ang tagumpay sa Marawi City.

Tinukoy ng AFP chief ang ibinibigay na real-time intelligence ng amerika para matulungan ang Pilipinas na matalo ang kalaban.

Kailangan aniya ng mataas na antas ng kahandaan laban sa banta ng terorismo at kalamidad sa bansa.

Nagpasalamat din si Galvez sa suporta ng Japan sa peace and development efforts sa Mindanao.

Media coverage sa Balikatan, ipinagbawal

Bawal ang media coverage sa mga aktibidad sa joint Philippine-US military exercises.

Wala namang tinukoy na dahilan ang pagbabawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na i-cover ng media ang 34th Balikatan Exercises activities sa Zambales at Tarlac.

Magiging limitado lamang ang media coverage sa Balikatan Exercises ngayong taon sa opening at closing ceremonies.

Tatagal ang joint military exercises ng Pilipinas at Amerika sa May 18.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *