International

US Pres. Trump at NoKor leader Kim Jong-un, nakatakdang magkita sa Mayo

Nakatakdang magtagpo sina US Republican President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un sa buwan ng Mayo.

Ito ay matapos na tanggapin ni Trump ang imbistasyon ng North Korean leader.

Iginiit ng mga US official na ang desisyon ni President Trump na makipagtagpo kay Kim ay hindi lamang isang pakitang tao.

Nais lamang umano ni Trump na maresolba ang problema kaugnay sa nuclear program ng North Korea.

Layunin ni Trump ang denuclearization sa Korean Peninsula na sinang-ayunan naman ni Kim.

Inaasahan ng Amerika na ititigil ng North Korea ang nuclear at missile testing nito bago pa man mangyari ang pagtatagpo ng dalawa.

Magiging kauna-unahan naman si Trump sa mga umupong pangulo ng Amerika na makikipagtagpo sa lider ng nasabing bansa.

Gayunpaman, wala pang itinakdang petsa at lugar ng pagtatagpo ng dalawang lider.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *