Trump
International

US pres. Trump, binigyan ng 60 araw na palugit ang Russia

BINIGYAN ng 60 araw na palugit ng Trump Administration ang Russia.

Na sumunod sa Intermediate-Range Nuclear Forces o INF Treaty sa pagitan ng Amerika at Soviet Union.

Nagbanta ang Amerika na kakalas sa nasabing treaty at gagawa ng missiles upang ipadala sa Europa.

Kapag hindi tumupad ang Russia sa kasunduan.

Ayon sa Amerika ay palihim na gumagawa ng ground-launched cruise missile ang Russia bagay na itinanggi ng huli.

Nakasaad sa 1987 INF Treaty na ipinagbabawal ang Amerika at Soviet Union na magkaroon ng nuclear at non-nuclear missiles.

Na kayang magpaputok ng may layong 500-5,500 kilometro.

Napanatili ang kasunduan sa loob ng tatlong dekada subalit ang bantang pagkalas ng Amerika ay maaaring magdulot umano ng panibagong cold war.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *