National

US mas pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy kaysa sa China


Pinagkakatiwalang bansa pa rin ng mga Pinoy ang Estados Unidos kumpara sa ibang bansa tulad ng China.
Batay ito sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, kung saan ay 79 percent ang nagtitiwala sa Amerika samantalang 20 percent naman ang hindi.
Sumunod dito ang Japan na nakakuha ng 75 percent, Australia na nakakuha ng 69 percent at Great Britain na nakakuha ng 53 percent.
Malaki rin ang tiwala ng mga Pinoy sa United Nations (UN) na nakakuha ng 82 percent samantalang 17 percent ang distrust rating.
Maraming Pinoy pa rin ang walang tiwala sa China na nakakuha ng 63 percent distrust rating samantalang 56 percent distrust rating naman sa Russia.
Ginawa ang survey mula Marso 15 hanggang Marso 20 na may margin of error na positive-negative 3 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *