Sports

Unang panalo sa FIBA World Cup Asian Qualifiers, nasungkit ng Gilas matapos pataubin ang Team Japan

NASUNGKIT ng Gilas Pilipinas ang unang panalo sa Asian Qualifiers ng 2019 Fiba World
Cup.
Ito ay matapos talunin ang Team Japan sa iskor na 77-71.
Nanguna sa panalo si Jayson Castro na nagtala ng 20 puntos habang kumamada rin si
Andray Blatche ng 13 puntos.
Nakuha ng Japan ang 40-37 lamang sa ikatlong quarter pero agad itong nabawi ng Gilas
hanggang sa dulo ng laro.
Naging susi ang fast break layup ni Roger Pogoy para tuluyang maungusan ang Japan sa
nalalabing 26 na segundo.
Uuwi ang national team sa bansa para naman harapin ang karibal nitong Chinese-Taipei
Team sa Nobyembre 27 sa Araneta Coliseum.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *