Robredo
National

Unahin ang pagbibigay solusyon sa mga problema ng bansa -Robredo

HINIMOK ni Vice President Leni Robredo ang Kamara.

Na aniya ay humanap ng mga paraan para mapababa ang presyo ng mga bilihin at mabigyan ng trabaho ang mga Pinoy.

Sa halip aniya na amyendahan ang konstitusyon.

Sinabi ni Robredo na malinaw na usaping politika ang mas mahalaga sa liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso.

At ipinakita nila ito sa pagpasa ng resolusyon na nagsusulong sa Charter Change (Cha-Cha).

Dagdag ng bise presidente, mas makabubuting maghain na lamang ng mga solusyon sa mga problema ng bansa ang mga kongresista.

At unahin ang mga kababayan kaysa pamumulitika.

Umaasa aniya ang mga Pinoy na gagawin ang lahat ng pamahalaan para mapagaan ang kanilang pamumuhay sa kada araw.

Subalit binawi pa ang suspensyon sa ikalawang pagtaas ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa Enero 2019.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *