National

Umento sa presyo ng gasolina ipatutupad ngayong linggo


May inaasahang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, araw ng Martes.
Ito ay matapos ang sunud-sunod na oil price rollback sa nakalipas na tatlong linggo.
Ayon sa energy sources, maglalaro sa beinte singko sentimos hanggang trenta’y singko sentimos ang umento sa presyo ng gasolina.
Samantala, wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *