National

Umano’y pagtanggal ng OVP sa ‘cha-cha’ proposal, pinalagan ng kampo ni VP Robredo

PINALAGAN ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang umano’y planong pagbuwag sa Office of the Vice President (OVP) sa pagbabago ng porma ng gobiyerno.

 

Giit ni Atty. Barry Gutierrez, legal adviser ni Robredo, walumpung taon nang nasa sistema ng gobiyerno ng Pilipinas ang OVP.

 

Ayon kay Gutierrez, tanging panahon lamang ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos ang walang halal na bise-presidente.

 

Sa panig ni Senate President Koko Pimentel, sinabi nito na hindi na umano kailangan ang bise presidente sa isinusulong nilang pagbabago sa porma ng gobiyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *