National

Umano’y ISIS recruitment, kinumpirma ni PNP chief

Patuloy ang ginagawang recruitment ng ISIS sa bahagi ng Luzon at Visayas.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.

Bukod dito, sinabi ni Dela Rosa na may namo-monitor din silang recruitment sa Marawi at Lanao area.

Sa ngayon ay patuloy na tinututukan ng PNP at Armed Forces of the Philippines ang umano’y recruitment ng ISIS sa mga Muslim areas sa Mindanao.

Tiniyak din ni Dela Rosa na ikinakasa nila ngayon ang operasyon laban sa terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *