Martial Law
International

Ukraine, nagpatupad ng 30 araw na Martial Law laban sa Russia

TULUYAN ng ipinatupad ng Ukraine ang 30 araw na Martial Law.

Para pagtibayin ang kanilang pambansang depensa laban sa Russia.

Tumindi ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos pagbabarilin at hulihin ng Russian forces ang ilang crew at navy vessels ng Ukraine.

Nangyari ito sa Black Sea noong araw ng Linggo.

Ayon sa Ukraine, nakasaad sa 2003 Russia-Ukraine Treaty na may access ang dalawang bansa sa Kerch Strait at Sea of Azov.

Sinabi naman ng Russia na pag-aari na nila ang naturang teritoryo.

Ito ay simula ng sakupin ng kanilang bansa taong 2014 ang Crimean Peninsula na dating pag-aari ng Ukraine.

Sa isinagawang security council noong Lunes ay sinabi ng United Nations na di nila kikilalanin ang 2014 Annexation of Crimea.

At mananatili ang sanctions laban sa Russia.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *