Theresa May
International

UK PM Theresa May, bababa sa pwesto kapag muling nabigo sa Brexit

PUMAYAG si UK Prime Minister Theresa May na bumaba sa kanyang pwesto sakaling muli siyang mabigo na makuha ang boto para sa kanyang Brexit plan sa ikaapat na pagkakataon.

Muling isasagawa ang Brexit vote sa susunod na buwan habang wala pang tiyak na petsa kung kailan isasagawa ang halalan upang palitan siya sa puwesto.

Ang Brexit o ang planong pagkalas ng United Kingdom sa European Union ay nakatakda sanang maganap noong Marso 29 subalit naudlot ito ng tatlong beses matapos tanggihan ng UK parliament members.

Sa bisa ng Article 50 ay napalawig ang Brexit hangang Oktubre 31, 2019 at matutuloy lamang ito kapag inaprubahan ng UK at EU ang naturang withdrawal agreement.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *