KINUWESTYON
International

U.S., kinuwestyon ang pag-aresto ng Russia sa dating U.S. Marine

KINUWESTYON ng Amerika ang pagkakadakip ng dating US marine na si Paul Whelan.

Habang dumadalo sa kasal ng kanyang kaibigan sa Russia noong Biyernes.

Ayon sa Russian Security Service ay nahuli si Whelan sa aktong pag-eespiya ngunit tumangging magbigay ng karagdagang detalye.

Inaasikaso na ng US State Dept ang consular access para sa biktima.

Habang nag-aalala naman ang mga kapamilya ni Whelan sa kanyang kalagayan sa Russia.

Maaalalang nasa kustodiya rin ngayon ng US ang Russian gun rights activist na si Maria Butina.

Matapos umamin na nakipagsabwatan ito sa Russia upang impluwensyahan ang nakaraang 2016 US presidential elections.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *