International

Turnbull nasa NY para sa pulong kay Trump


Dumating na sa New York (NY) si Australian Prime Minister Malcolm Turnbull para sa kanilang kauna-unahang face-to-face meeting ni US President Donald Trump.
Nakatakdang pag-usapan ng dalawang lider ang security issues, partikular kung paano makatutulong ang Australia sa Amerika sa gitna ng nuclear at missile program ng North Korea (NoKor).
Susuportahan din aniya ni Turnbull ang mas mabigat na sanction na ipapataw laban sa NoKor at hihimukin ang China na dagdagan pa ang pressure sa komunistang bansa.
Inaasahan ding matatalakay sa gagawing pagpupulong ang joint campaign laban sa ISIS sa Syria at Afghanistan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *