DSWD
National

Tulong ng DWSD, nakaantabay para sa mga apektado ng pag-ulan

Kasunod ng patuloy na nararanasang sama ng panahon sa malaking bahagi ng bansa, ipinag-utos na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga regional offices ang pagbibigay tulong sa mga apektadong pamilya.

Ayon kay DSWD Acting Secretary Virginia “Gee” Orogo, nakaalerto na ang Quick Response Teams (QRT) at Provincial/Municipal Action Teams (P/MATS) para umasiste sa lokal na pamahalaan sa pagresponde sa mga apektadong pamilya.

Kabilang na dito ang National Capital Region, Region III, at Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (MIMAROPA).

Tiniyak din ni Orogo na nakahanda na ang sapat na pagkain at non-food items na ipamamahagi sa mga apektadong siyudad at munisipalidad.

Batay sa pinakahuling report ng DSWD Disaster Response and Management Bureau (DREMB), mahigit dalawang libong (2,300) pamilya o mahigit pitong libong (7,476) indibidwal ang apektado ng habagat sa labing tatlong barangay sa Region III at MIMAROPA.

Samantala, animnapu’t apat na pamilya o 174 katao ang kasalukuyang nananatili sa apat na evacuation centers sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *