Trump
International

Trump, nagbanta ng government shutdown

NAGBABALA si U.S. Pres. Donald Trump nang posibleng government shutdown sa Disyembre.

Kapag hindi popondohan ng Kongreso ang kanyang border wall.

Sa U.S., ang gov’t shutdown ay ang pansamantalang pagbabakasyon ng ilang kawani ng gobyerno.

Dahilan upang maaaring magsara ang ilang apektadong gov’t offices at hindi muna makapagsilbi sa mga mamamayan.

Hanggang sa unang linggo na lamang ng Disyembre ang deadline ng U.S. Congress.

Upang suportahan ang border wall ni Trump na nagkakahalaga ng $5B o mahigit P261B bago ang posibleng gov’t shutdown.

Maaalalang nakuha ng Democrats ang kontrol sa Kongreso sa nagdaang midterm elections.

At nagsabing hindi sila sang-ayon sa pagtatayo ng border wall sa Mexico.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *