Summit
International

Trump-Kim Summit, umukit ng kasaysayan

Naging makasaysayan ang paghaharap nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un.

Ito ay dahil ang dalawa ang pinakaunang nakaupong lider ng Estados Unidos at North Korea na nagharap at nagpulong.

Ito na marahil ang unang hakbang tungo sa ganap na kapayapaan sa dekada nang problema sa Korean Peninsula.

Kasabay ng paghaharap ng dalawang lider, isang mahalagang dokumento ang kanilang nilagdaan para sa denuclearization process ng North Korea.

Hindi naman lubos na ipinaliwanag kung ano ang nilalaman ng kanilang nilagdaang kasunduan.

Ayon kay Trump, ilalahad nila ang nilalaman ng kasunduan sa mga susunod na news conferences.

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Kim kay Trump dahil sa nangyari ang kanilang makasaysayang pagpupulong sa kabila ng maraming mga kapagsubukan sa nagdaan.

Nagdesisyon na sila na iwanan na lamang sa nakaraan ang mga nangyari sa nakalipas.

Trump-Kim Summit, suportado ng China

Suportado ng China ang naging pagpupulong at paglagda ng kasunduan ng Estados Unidos at North Korea.

Ayon kay Chinese top diplomat, State Councilor Wang Yi, nalulugod ang tsina sa nangyaring kasunduan nina US President Donald Trump at NoKor leader Kim Jong-un.

Umaasa anya ang China na magtuloy-tuloy at lubusang makamit ang hinahangad na kapayapaan ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Wang, isang isyung pang-seguridad ang tungkol sa Korean Peninsula nuclear issue at lubos na kailangan ng Estados Unidos at North Korea na upuan at pag-usapang mabuti ang mga mahahalagang tugon sa naturang problema.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *