Executive Order
Business International

Trump, inaasahang pipirma ng Executive Order na magbabawal sa Huawei sa Amerika

NGAYONG linggo ay inaasahan ang pagpirma ni US Pres. Donald Trump sa Executive Order na magbabawal sa U.S. Companies na gumamit ng telecommunications equipment na umano’y banta sa national security ng Amerika.

Ang naturang Executive Order o EO ay daan upang tuluyang ipagbawal ng U.S. ang pagtangkilik sa lahat ng produkto ng Huawei na mula China bagama’t ang nasabing impormasyon ay itinuturing pa rin na confidential ng U.S. officials.

Naungkat ang EO matapos magpahayag ng pagkaalarma ang US senators sa Senate hearing noong Martes kaugnay sa panganib na dala umano ng Huawei sa 5G networks kasabay ng tumitinding trade war sa pagitan ng US at China.

Sa tulong ng International Emergency Economic Powers Act ay magkakaroon ng kapangyarihan ang pangulo na isabatas ang naturang EO bilang tugon sa isang national emergency na pinaniniwalaang magdadala ng panganib sa seguridad ng Amerika.

Samantala, handa ang Huawei na pumirma ng no spy agreement o ang hindi pag-eespiya gamit ang kanilang produkto at makipagkasundo sa gobyerno ng iilang bansa tulad ng United Kingdom.

Patuloy na itinatanggi ng Huawei ang mga alegasyon at sinabing sila ay independent mula sa gobyerno ng China.

Nauna nang hinarangan ng Australia at New Zealand ang paggamit ng Huawei gear sa kanilaang 5G mobile networks habang pinagbawalan naman ng U.S. ang ilang federal agencies nito sa paggamit ng nasabing produkto.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *