WALANG nabuong kasunduan
International

Trump at Kim, walang nabuong kasunduan sa nuclear deal

WALANG nabuong kasunduan sa isyu ng denuclearization ng Korean Peninsula sina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un.

Ito’y sa naganap na ikalawa nilang summit sa Vietnam.

Kinumpirma ito ni Trump matapos ang dalawang araw na pulong nila Kim sa Hanoi.

Sinabi ni Trump na bukas umano si Kim na tuluyan nang ipasara ang major nuclear facility ng North Korea sa Yongbyon.

Pero hindi umano sila pumayag dito dahil inihirit nina Kim na alisin na ang lahat ng mga sanctions na ipinataw sa Pyongyang bilang kapalit.

Iginiit ni Trump na mananatili ang mga ipinataw na sanctions sa North Korea.

Sa kabila nito, tinawag ni Trump bilang “productive” ang ikalawa nilang summit ni Kim kahit natapos ito ng maaga.

Naniniwala si Trump na tutuparin ni Kim ang pangako na hindi muna sila magsasagawa ng “testing of rockets and nuclear”.

Matatandaang unang nagharap ang dalawang kontrobersyal na lider noong Hunyo 2018 sa Singapore.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *