UAAP Season 81
Sports

Troy Rike, hindi na maglalaro sa darating na UAAP Season 81

HINDI na makapaglalaro si Gilas cadet Troy Rike para sa National University (NU) sa darating na UAAP Season 81.

Mag-uumpisa ang naturang laro sa susunod na linggo.

Sa post ng kaniyang Twitter account, sinabi ni Rike na hindi na siya makakatapak pa ng court kasama ang mga Bulldogs.

Ito ay pagkaraang nadeklarang ‘ineligible’ ang 22-anyos na basketbolista.

Ito’y dahil na din sa mga hindi pa natatapos na clearance paper nito sa Department of Justice.

Paglilinaw pa nito, hindi aniya kontrolado ang sitwasyon na hindi makapaglaro

Ikinalungkot din naman ni Rike ang naging balita na ito.

The news was devastating to me and I feel great regret that I won’t be able to take the floor with my team mates this season,”ayon kay Rike.

“Although I’ve only been at NU for a short time, it really feels like home and I will always be thankful to have been part of the NU family,” dagdag niya.

Pangako pa ni Rike na patuloy naman siyang susuporta sa NU bulldogs.

Sumali si Troy Rike sa National University Bulldogs noong July sa pagbabakasakaling matutunan nito ang Philippine Basketball branding.

At para na din sa paghahanda nitong sumabak sa NBA.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *