kaso
National

Trillanes, haharapin ang kaso laban sa kanya

Iginiit ni Senador Antonio Trillanes IV na handa nitong harapin ang isasampang kaso sa kanya ni dating Davao City Vice Mayor at presidential Son Paolo Duterte.

Kasunod ito ng pahayag ni Paolo na kanyang ihahabla si Trillanes kaugnay ng pagsasangkot sa kanya sa P6.4-B na shabu shipment mula sa China.

Ayon sa senador, panggigipit ito sa kanya at walang kabuluhan ang isasampang kaso sa kanya dahil nakapag-presenta na siya ng mga ebidensiya na mag-uugnay kay Paolo sa naturang usapin.

Pagdidiin pa nito na ginagamit ng administrasyon ang hudikatura laban sa mga kritiko nito.

Kasong libel ang isasampang kaso ni Paolo laban kay Trillanes .

SAP Bong Go, hinamon si Trillanes

Samantala, hinamon ng “one-on-one ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go si Senador Antonio Trillanes.

Kasunod ito ng alegasyon ni Trillanes na nagda-drama lang si Go sa pagsasabing hindi ito tatakbo sa pagka-senador sa 2019 midterm elections kasabay ng pagkalat ng mga tarpaulin na humihikayat sa kanya na kumandidato.

Ayon kay Go, hindi niya uurungan sa kahit na anong “one-on-one” ang senador dahil nagsasawa na siya sa mga banat nito at mga alegasyon.

Hindi rin naiwasan ni Go na muling balikan ang pangunguna ni Trillanes sa kudeta laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo pero kalaunan ay umatras din naman.

Kaugnay nito, hinimok ni Go ang mga supporters na ibili na lang ng pagkain ang kanilang ginagamit na pondo sa pagpapagawa ng mga campaign materials at itulong na lang sa mga mahihirap.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *