Sinibak
National

Transportation Asec. Mark Tolentino, sinibak ni Duterte

Sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Assistant Secretary Mark Tolentino ng Department of Transportation (DOTr).

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa Malakanyang na sinibak si Tolentino sa puwesto dahil sa pakikipag-usap nito sa kamag-anak ng presidente.

“Inaanunsiyo po namin na sinibak sa puwesto ng ating presidente Ang Assistant Secretary Mark Tolentiono ng Department of Transportation. Ang kasalanan ni Tolentino ay nakipag-usap sa kamag ng president.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Binigyang-diin ni Roque ang utos ng pangulo sa lahat ng mga nasa pamahalaan na huwag kausapin ang sino man sa kamag-anak nito upang pakiusapan siya sa kahit anong kontrata o appointment sa gobyerno.

Sinabi ni Roque na may inaasahan namang resignation letter na tatanggapin ang Malakanyang ngayong Martes na kandidato din na sibakin ng Pangulong Duterte.

Magugunitang nitong Sabado inanunsiyo ni Duterte na may sisibakin na naman itong mga nasa pamahalaan dahil sa isyu ng kurapsyon at pakikipag-usap sa kamag-anak nito.

Samantala nagbabala ang tagapagsalita ng Malakanyang kaugnay sa isang judiciary fixer na ginagamit ang pangalan ni Pangulong Duterte at apo nito para mag-fix ng kaso.

“We are also warning the public especially the judges and justices. Meron pong umiikot, ito po ay asawa ng x-wife ng anak ng presidente. Ginagamit ang pangalan ng presidente para sa pag-fix ng mga kaso. Sa mga mahistrado, huwag niyo pong entertainin hindi po ito kamag-anak ng president. Ikinalulungkot po na may kinalaman sa apo, wala po tayong magagawa diyan pero wala po itong awtoridad. Hindi po ito sanction,… fixer sa mga hudikatura.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Panawagan ng Malakanyang sa mga nasa hudikatura na huwag pansinin ang mga fixer na ginagamit ang pangalan ni Duterte at kaanak nito dahil hindi ito pinahihintulutan ng chief executive.

Umaasa naman ang Malakanyang na isusuplong agad sa kinauukulan kung sakaling mang may mangyari ulit na kaparehas na insidente.

Ulat ni : Hannah Jane Sancho

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *