traffic sa EDSA
Metro

Traffic sa EDSA simula bukas, titindi pa ayon sa MMDA

Inaasahang titindi pa ang nararanasang traffic sa EDSA bukas hanggang sa Christmas weekend.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, mas bibigat ang daloy ng trapiko bukas dahil sa Christmas rush o last minute shopping at huling Biyernes na rin ito ng holiday season.

Dahil dito, naka-full alert ang MMDA at posibleng dagdagan pa nila ang kanilang puwersa ngayong kapaskuhan.

Simula noong Martes ay unti-unti nang nararamdaman ng mga motorista at pasahero ang pagtindi pa ng traffic sa kahabaan ng EDSA dahil sa holiday rush.

Una na ring sinabi ni EDSA Traffic Management Head Bong Nebrija na tatakbo lamang ng 10 to 20 kilometers per hour ang mga sasakyang dadaan sa EDSA sa kasagsagan ng weekdays lalo na bukas hanggang sa Christmas weekend.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *