Philippine Golf Tour Asia
Sports

Top golfers ng Thailand at Australia, lalahok sa Philippine Golf Tour Asia

NAKATAKDANG lumahok at magpakitang gilas ang mga top golfers mula sa Thailand at Australia sa muling pagbubukas ng Philippine Golf Tour Asia.

Magsisimula na ang golf tournament sa susunod na linggo na gaganapin naman sa Pradera Golf and Country Club sa Lubao, Pampanga.

Nakatakda namang sumali muli ang mga Pinoy golfer na sina Jay Bayron, Jerson Balasabas, Tony Lascuña at Elmer Salvador.

Kabilang din ang mga young gunner na sina Justin Quiban, James Ryan Lam, Ira Alido at Keanu Jahns.

Tumataginting naman na $100,000 ang maiuuwi nang magkakapeon sa nasabing torneyo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *