Regional

Top drug target nadakip ng PDEA sa CamSur


Nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang number one regional target na si Wilson Baita, 53 anyos, sa isang buy-bust operation sa Barangay Sagrada, Baao, Camarines Sur (CamSur).
Isang babaeng PDEA agent ang nagpanggap na guest relation officer (GRO) at bumili ng shabu kay Baita.
Pagkaabot ng buy-bust money kay Baita ay roon na siya inaresto ng mga ahente ng PDEA na nakaposisyon sa paligid ng resort.
Nakuha sa suspek ang isang malaking plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 60 gramo at nagkakahalaga ng P400,000 hanggang P500,000.
Bukod sa pagiging regional target, nangunguna rin si Baita sa provincial at municipal target list ng PDEA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *