Sports

Tony Parker 'di na lalaro sa NBA playoffs dahil sa injury


Hindi na makapaglalaro sa National Basketball Association (NBA) playoffs ang beteranong player ng San Antonio Spurs na si Tony Parker dahil sa injury.
Nagtamo si Parker ng ruptured quadriceps tendon sa 2nd half ng Game 2 sa panalo ng Spurs laban sa Houston Rockets.
Natapos si Parker na may 18 points, na malaking ambag din para sa opensa ng Spurs.
Ikinalungkot naman ni Spurs head coach Gregg Popovich ang pagkawala ni Parker sa kanilang koponan.
Hindi pa inaanunsiyo ng management ng Spurs kung ilang buwan mawawala si Parker.
Tatangkain ng Spurs na masungkit ang ikalawang panalo sa Game 3 na magaganap sa home court ng Rockets.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *