tokyo
Sports

Tokyo 2020 main stadium, 40% nang tapos

Ipinakita na ng  Japan Sports Council (JSC) ang construction site ng main stadium na gagamitin para sa 2020 Olympics.

Nasa 40 percent na ang konstruksyon ng naturang stadium na nagsimulang itayo noong 2016 para sa Tokyo 2020 Olympics.

Tinatayang aabot sa halagang 150 billion yen o US$1.3 billion ang 68,000-seat stadium.

Maaaring ring makapagpasok ng hanggang 80,000-katao gamit ang temporary seating.

Isasagawa sa naturang bagong stadium ang opening at closing ceremonies ng 2020 Olympics maging ang athletics events at football matches.

Isa sa showpieces ng stadium ay ang bubong nito na gawa sa kahoy na dinisenyo ng isang Japanese architect na si Kengo Kuma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *