Tindig-Pilipinas
National

Tindig Pilipinas Coalition, binatikos ang Administrasyon Duterte

Imbis na pagkakaisa, ay panay batikos at puna ang inabot ng Duterte Administration sa ginawang programa ng Tindig-Pilipinas o ang pinagkaisang grupo ng mga oposisyon sa kasagsagan ng pagunita ng ika-isandaan at dalawampung taon (120) ng kasarinlan ng bansa.

Kahit maulan ang panahon, ay ginawa pa rin ng grupo ang kanilang mga banat dahil raw sa kakulangan ng administrasyon na sugpuin ang isyu ng social injustice, pagdami ng kaso ng extra judicial killings sa giyera kontra droga, malabnaw na tugon sa West Philippine Sea at ang nagmamahalang presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN Law.

Mabigat na mga paratang sa Admninistrayong Duterte

Isa-isa namang nagsalita at nagbigay ng puna ang ilan sa mga incumbent government officials sa loob ng bahay ng alumni sa UP Diliman sa kasagsagan ng programa.

 Ayon kay Senador Bam Aquino, “Nung tinanggal yung tao dun sa sentro ng polisiya, sa sentro ng mga batas, sa sentro ng mga programa, at ang ipinalit po ay iyong mga naghahari-harian, makikita po natin na humina yung ating demokrasya at yung taumbayan po natin ay naghihikahos.

 Maging si ousted chief justice Atty. Maria Lourdes Sereno ay nagsalita rin at inilahad ang punot-dulo kung bakit sa tingin nito ay si Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya sa puwesto.

 Ayon kay Sereno, “Akala ko po nuon ay bugso lamang po ng damdamin yun. Hindi ko po inakala, na ‘yun po ay senyales na pagtutuunan po niya ako ng pansin hanggang noong Abril a-bente nuebe, sa kasalukuyang taon ay lantaran niyang sinabi, Ikaw chief justice Sereno, ikaw, ikaw ang aking kaaway.”

Ilan pa sa mga personalidad na nakiisa sa programa ng oposisyon ay sina Senador Risa Hontiveros at Antonio Trillanes, Akbayan Rep. Tom Villarin, Magdalo Representative Gary Alejano at ilang mga dating opisyal ng Aquino Administration.

Sa huli ay nanawagan ang koalisyon sa pamahalaan na hanapan ng hollistic approach ang war on drugs, hanapan ng solusyon ang problema sa nagtataasang bilihin at ang pagtugon sa problema sa kahirapan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *