The King
Sports

‘The King’ LeBron James, hindi pa rin makakasalang sa paglalaro

HINDI pa rin makakalaro sa susunod na tatlong NBA games ang NBA Star at Lakers forward na si ‘The King’ LeBron James.

Inanunsyo mismo ito ng management ng Los Angeles Lakers.

Kasabay ng pahayag sa patuloy na pagbuti ng kalagayan ni James sa iniinda nitong injury.

Pero paglilinaw naman ng Lakers na mananatiling under observation ang basketbolista at i-evaluate sa susunod na Miyerkules.

Kasunod nito ay hindi makakasali si James sa magiging laban ng Lakers kontra sa Utah Jazz sa susunod na Biyernes.

Kabilang ang home game sa linggo laban sa Cleveland Cavaliers at sa magiging tapatan nila ng Chicago Bulls sa susunod na Martes.

Matatandaan namang nakuha ni Lebron James ang kaniyang groin injury noong naglaro ito sa NBA holiday game kontra sa Golden State Warriors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *