The King Lebron James
Sports

The King Lebron James, naitala ang kaniyang season high score

NAKAPAG-set na nga ng kaniyang season high score ang bagong Los Angeles Lakers player na si The King Lebron James.

Nakapagpuntos ng 51 points si James sa naging tapatan nila ng kaniyang former team na Miami Heat nitong Lunes.

Nagtapos naman ang tunggalian ng Lakers at Heat sa score na 113-97.

Makokonsidera ding ito ang unang pagkakataon na makapagpuntos si James ng ganoong kataas kontra sa Heat.

Ito’y buhat ng dalawang beses itong makapagtala ng 47 points sa mga nakaraang tapatan nila.

Ang naging pagkapanalo din ng Lakers ay masasabing kauna-unahang pagpapayuko ni Lebron James sa Miami Heat.

Buhat ng umalis ito sa koponan pagkatapos ng 2014 NBA Finals.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *