National

Testigong tricycle driver sa naganap na hazing, lumutang sa MPD Headquarters   

Isang nagpakilalang “Mang Danny”, tricycle driver ang lumutang sa headquarters ng mpd upang ihayag ang kanyang nasaksihan sa pagkamatay ng UST Law student na si Horacio “Atio” Castillo III, dahil sa hazing.
 
Sa ibinigay na salaysay ni Mang Danny, pumapasada siya ng mapagawi siya sa opisina ng Aegis Juris Center, sa may Sampaloc, Maynila, kung saan nakita nito ang ilang kalalakihan na may pasanpasan na taong nakabalot ng puting kumot at isinakay sa pulang van na Strada.
 
Dagdag pa ni Mang Danny, sa pag-aakalang may-sakit lang ang isinakay sa nasabing van kung saan sinundan ito ng isang nakamotorsiklo at tuloy ang kanyang pamamasada.
 
Nagulat nalang si Mang Danny ng mapanood nito sa TV ang naganap na hazing kung saan katawan pala ni Atio ang nakabalot ng puting kumot.
 
Pahayag ng testigo, na makikitulungan sa ikalulutas ng kaso ng pinatay na si Atio, kung saan namumukhaan nito ang mga taong bumuhat sa katawan ni Atio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *