ITINALAGA
National

Teodoro “Boy” Locsin, itinalaga ni Duterte bilang kalihim ng DFA

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Teodoro “Boy” Locsin bilang susunod na kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ginawa ni Pangulong Duterte ang anunsyo sa kaniyang pagdating sa Davao International Airport.

Mula ito sa pagdalo ng pangulo sa Asean Leaders’ Meeting sa Indonesia.

Papalitan ni Locsin si Secretary Alan Peter Cayetano na tatakbo bilang congressman ng Taguig sa 2019 midterm elections.

Si Locsin ay kasalukuyang Philippine Ambassador to the United Nations.

Isa siyang abogado at dating Makati 1st District Representative mula 2001 hanggang 2010.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *