Novak Djokovic
Sports

Tennis Star Novak Djokovic, nag-uwi ng unang panalo sa Paris Open

HINDI na nga mapipigilan pa ang pagpapakitang gilas ng 2nd seeded tennis star na si Novak Djokovic.

Layunin nitong makuha ang top spot sa ATP Ranking. 

Pinasimulan ni Novak Djokovic ng may unang panalo ang kaniyang kampanya sa Paris masters nitong Martes.

Matapos maungusan ang Portugese na si Joao Sousa sa victory score na 7-5, 6-1.

May pagkakataon naman ang 14-time grand slam champion na si Djokovic na makuha muli ang top rank kay Rafael Nadal.

Kung mananalo ito kontra sa Spaniard sa French Capital.

Samantala, pinag-aaralan pa kung makakalahok sina Rafael Nadal at Novak Djokovic sa isang exhibition game sa Saudi Arabia sa darating na Disyembre.

Hindi naman na nagpaunlak sa imbitasyon ang 3rd seeded na si Roger Federer sa nasabing torneyo.

Magaganap ang exhibition game sa King Abdullah Sports City sa Jeddah sa December 22, 2018.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *