National

Team leader ng PNP-Mandaluyong na sangkot sa shooting incident, hinikayat na sumuko

HINIKAYAT ni PNP Chief Roanld Dela Rosa ang team leader ng mga pulis na nasangkot sa shooting incident sa Mandaluyong City noong nakaraang linggo na sumuko na.
Ayon kay Dela Rosa, mula ng maganap ang insidente noong nakaraang linggo ay hindi na pumasok sa opisina ng Mandaluyong Police  Senior Inspector Maria Cristina Vasquez.
Sinabi ni Dela Rosa na mas mabuting sumuko na ito sa tanggapan ng PNP bago magsagawa ng manhunt operation ang mga otoridad.
Dagdag pa ni Dela Rosa, oras na magpalabas ng warrant of arrest ang korte na may hawak sa kanilang kaso ay magsasagawa agad ng manhunt operation ang mga otoridad laban dito.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP ang siyam na iba pang pulis na sangkot sa naturang Pamamaril sa isang private car na ikinasawi ng 2 katao ang ikinasugat ng 2
iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *