Britain
International

Tatlong taong gulang na bata sa Britain, may IQ score na 171

Isang tatlong gulang na batang babae ang tinaguriang “Brainiest Child” ng Britain matapos makakuha ng mataas na IQ score na 171.

Si Ophelia Morgan-Dew ng Ross-On-Wye, Herefordshire ay natutong magsalita sa gulang na eight months pa lamang at mabilis rin na natuto ng kanyang numbers, colors at alphabet.

Ang kanyang IQ score ay di hamak na mas mataas ng 11 points kumpara sa sikat na scientist at genius na si Albert Einstein na may IQ score na 160.

Mas mataas rin ang IQ score ni Ophelia kumpara sa mga nakaraang Britain’s cleverest kids na sina Amav Sharma, 11 taon, at Rahul Doshi, 12 taon na parehong may IQ score na 162.

Naaalala din niya ang mga nangyari sa kanya bago siya mag one year old, kumpara sa ibang adults na walang naaalala bago sila tumuntong ng three years old.

Sa ngayon ay si Ophelia ang pinakabatang miyembro ng mensa, ang pinamalaki at pinakamatagal na high iq society sa buong mundo.

Si Ophelia ay sinubok gamit ang Stanford-Binet test, isa sa pinakamahusay at sikat na intelligence test na ginagamit sa mga batang may edad hanggang two years old para sukatin ang kanilang spatial awareness, verbal at logic skills.

Base naman sa original IQ score scale na iminungkahi ng American psychologist na si Lewis Terman ay 90-109 ang normal or average intelligence, 110-119 para sa superior, 120-140 para sa very superior, at over 140 naman para sa genius or near genius.

Si Terman rin ang nagrevise ng Stanford-Binet Intelligence Scale.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *