National

Target collections ng Customs sa nakalipas na ilang taon, bigong maabot

Bigo ang Bureau of Customs (BOC) na maabot ang target collections sa nakalipas na ilang taon.

Batay ito sa iprinesenta ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon sa pagdinig ng 6.4 billion pesos shabu shipment mula China.

Sinabi ni Gordon na seryoso ang kanilang pagharap sa umano’y drug smuggling sa Customs.

Aniya, nasa 432 billion pesos ang nawawala dahil sa smuggling.

Ayon sa senador, kung nakolekta ng tama ang buwis ay walang kakulangan ng mga paaralan at tumaas na rin sana ang sweldo ng mga guro sa bansa.

Giit ni Gordon na malaki ang masamang epekto ng smuggling sa economic performance ng bansa.

Dagdag pa nito na may discrepancy sa pagitan ng importasyon ng Pilipinas at export statistics ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *