International

9 patay sa 6.5 earthquake sa China

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang liblib na bahagi ng timog kanlurang China. May lalim ang lindol na 11 kilometro sa probinsya ng Sichuan. 9 ang naitalang patay sa naturang pagyanig habang nasa 114 naman ang sugatan. Nakapagtala rin ng magnitude 4.2 na aftershock matapos ang mapaminsalang lindol.