National

Bagyong Salome, nag-landfall na sa San Juan, Batangas; ilang lugar sa Luzon, nasa Signal no. 2

ITINAAS na sa Signal number 2 ang Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas at hilagang bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro. Habang Signal number One naman sa ilang bahagi ng Oriental At Occidental Mindoro, Bulacan, Pampanga, Southern Zambales, Rizal, Camarines Norte, Camarines Sur, Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite at Batangas. Ito ay matapos mag-landfall sa san Juan, Batangas ang Tropical Depression Salome Read More

Regional

1 patay, isa sugatan sa landslide sa CamSur

ISA ang patay habang isa ang sugatan sa naganap na landslide sa national highway sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur. Ayon sa ulat, walong pagguho ng lupa ang naitala sa lugar bunsod ng walang humpay na buhos ng ulan. Sa ngayon, hindi madaanan ang national highway patungong Tiwi, Albay. (Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio—Manila)

Showbiz

Pagkilala kay Binibining Pilipinas-Universe Rachel Peters inihahanda na sa pag-uwi sa Camsur

Nakahanda na ang Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur (CamSur) sa paggawad ng plaque of recognition sa pagbabalik-Bicol ni Binibining Pilipinas-Universe Rachel Peters. Sinabi ni Board member Gilmar Pacamara na karapat-dapat lamang na bigyan ng pagkilala si Rachel dahil sa tagumpay at karangalang dinala nito sa buong Bicol Region. Ang naturang recognition ay nakatakdang ibigay sa Read More

National

Nobleza magaling na pulis — hepe ng PNP Bicol

Puro papuri ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) Bicol Chief Superintendent Melvin Buenafe sa naarestong si Superintendent Maria Cristina Brugada-Nobleza. Si Nobleza ay nadestino sa Camarines Sur (CamSur) PNP Provincial Police Office. Ayon kay Buenafe, magaling at epektibong pulis si Nobleza. Dedicated din aniya si Nobleza sa kanyang trabaho at kasama ito sa nangyari Read More