Renato Bayuban Ranes suspect for silawan
Metro

Suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan iniharap sa media

HINARAP sa media ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang 43-anyos na suspek sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu-City, Cebu.

Sinabi ni Albayalde na umamin ang suspek na si Renato Bayuban Ranes na pinagsasaksak niya ng ilang beses si Silawan dahil sa selos.

Umamin aniya ang suspek sa krimen dahil hinahabol ito ng kanyang konsensya.

Binalatan din aniya ng suspek ang biktima para hindi ito makilala.

Ayon kay Albayalde, gunting ang ginamit sa krimen at natutunan ng suspek ang pagbalat sa mukha ng biktima sa pamamagitan ng panonood sa YouTube.

Kabilang na aniya ang Momo challenge.

Gayunman, itinanggi aniya ni Ranes na ginahasa nito si Silawan pero aminadong naka-droga nang isinagawa ang pamamaslang.

Sinabi ni PNP chief na alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang update sa kaso ni Silawan at nagpahayag ito ng pagkabahala.

Inihayag ng PNP na naaresto ang suspek sa pamamagitan ng ilang surveillance at pagsuri sa Facebook account ni Silawan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *