International

Suspek sa ‘NYC Terror Attack’, patuloy na iniimbestigahan kung paano nahikayat ng grupong ISIS; Suspek, gustong ipabitay ni Pres. Trump

PATULOY na iniimbestigahan ng New York City Police ang suspek sa terror attack na si Sayfullo Saipov.
Inaalam din ng pulisya kung paano nahikayat si Saipov na sundan ang idolohiya ng teroristang grupo na ISIS.
Sa ulat ng pulisya, naimpluwensyahan si Saipov na gawin ang krimen dahil sa panonood nito sa mga videos ng Islamic State Group.
Ito ay base sa higit siyamnapung videos na narekober sa cellphone ng suspek kaugnay sa mga pagpatay ng ISIS sa mga bihag nito.
Inamin din ng Uzbekistan suspek na dalawang buwan niyang pinagplanuhan ang paggamit ng trak para sa krimen kung saan walo ang patay habang labing isa ang sugatan.
Sa ngayon ay kinasuhan na ng may kaugnayan sa terorismo ang suspek.
Samantala, nais naman ni US President Donald Trump na bitayin si Saipov na ngayon ay naka-confined sa ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *