surveillance
National

Surveillance ng PNP sa mga miyembro ng ACT, walang masama – Sec. Panelo

Iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na walang masama sa naiulat na surveillance ng Philippine National Police (PNP) sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Ibinasura ni Panelo ang alegasyon ng ACT laban sa umano’y profiling ng mga pulis sa kanilang mga miyembro sa iba’t ibang paaralan.

Sinabi nito na paranoid lamang ang grupo dahil minomonitor ng pulisya ang mga miyembro ng ACT na may kaugnayan sa mga rebelde at ito aniya ay tungkulin ng PNP.

Dagdag ni Panelo, sensitibo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pangangailangan ng mga guro at sa katunayan, sa susunod na dalawang buwan ay posibleng magkaroon sila ng salary increase.

Hindi rin aniya ito bahagi ng crackdown ng pamahalaan sa mga rebelde dahil una na aniyang tinukoy ang ACT bilang leftist organization.

PNP chief Albayalde, sinibak sa pwesto ang 3 intelligence officers

ipinag-utos ni PNP Chief Oscar Albayalde ang pagsibak sa tatlong intelligence officers ng Maynila, Quezon City, at Zambales police dahil sa naturang profiling sa mga miyembro ng ACT.

Ayon kay Albayalde, wala siyang utos na kunin ang listahan ng ACT members kasunod na rin ng pagkalat ng impormasyon ng umano’y isinasagawang profiling ng kapulisan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *