Suplay ng kuryente
National

Suplay ng kuryente sa nagdaang eleksyon, naging maayos

KUNTENTO ang Department of Energy sa naging suplay ng kuryente sa nagdaang 2019 midterm elections.

Ito ay sa kabila ng mga power interruptions na naranasan sa mga polling centers sa kasagsagan ng botohan nitong May 13.

Maging ang Meralco, nagpaliwanag sa labing limang kaso ng power interruptions na kanilang sinusuplayan.

Samantala, aasahan naman na tatama sa susunod na linggo ang pinakamataas o ang “peak demand” ng kuryente sa Luzon Grid.

Ayon kay DOE Undersecretary Atty. Felix William Fuentebella, ang mga araw sa pagitan ng May 20-24 ang pinangangambahan na maabot sa 11,400 megawatts ang peak demand sa Luzon Grid.

Pero sa pagtaya ng DOE, maaaring hindi na maabot ang nabanggit na peak demand dahil sa ngayon ay nasa 11,074 megawatts pa lamang ang pinakamalaking demand na tumama sa grid naganap noong May 2.

Bukod dito, nasa 11, 024 megawatts ang peak demand na naitala sa Luzon Grid kahapon.

Sa ngayon, muling itinaas simula kaninang 9:00 ng umaga hanggang nagyong 4:00 ng hapon ang Yellow Alert dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Sa huli ay tiniyak ng DOE na hindi magkakaroon ng power interruption kahit mataas ang demand ng kuryente sa Luzon Grid basta’t walang titirik na mga planta.

Pero sa kabila ng mga aberya, tiniyak ng DOE na hahanapan nila ng paraan sa energy sector kung papaano mapapagbuti ang performance ng pamahalaan at ng mga stake holders.

MJ MONDEJAR

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *