Metro

Sunog sumiklab sa SLEX

 


Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Alabang Exit, Muntinlupa City.
Ayon sa Muntinlupa Fire Station, nagsimula ang sunog kaninang alas-8:47 ng umaga at naapula bandang alas-9:15 ng umaga.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
Walang naitalang nasaktan sa insidente.
Pansamantalang isinara sa motorista ang Alabang Viaduct Southbound at Northbound dahil sa natumbang poste ng kuryente.
Sa ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *