PATULOY
Metro

Sunog sa warehouse sa Quezon City, patuloy na inaapula

PATULOY pa rin ngayong inaapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa isang warehouse.

Nangyari ang sunog sa Mauban St. sa Barangay San Jose, Quezon City.

Pasado 9:00 kaninang umaga ng magsimula ang naturang sunog sa bodega na ngayon ay nananatili pa ring nasa ika-apat na alarma.

Makikita sa video ng isang netizen ang makapal na kulay itim na usok na nanggagaling sa nasusunog na bodega

Sa ngayon, wala pang naiuulat kung may nasawi o nasaktan sa nagpapatuloy na sunog.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *