Nakatakas
Regional

Sundalong bihag ng NPA, nakatakas sa Davao Oriental

Nakatakas ang isang sundalo na bihag ng komunistang New People’s Army sa Man-Ay, Davao Oriental.

Kinilala ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ang nakatakas na sundalong bihag na si Corporal Johannes Parreño ng 28th Infantry Battalion.

Si Parreño kasama ang isang CAFGU, ay dinukot ng mga npa noong June 10 ng taong ito at nakatakas sa kamay ng mga npa nitong Biyernes ng hapon.

Naniniwala naman si Lieutenant Colonel Jacob Thadeus Obligado, Commanding Officer ng 67th Infantry Battalion na ang pagtakas ni Parreño ay dahil sa pinaigting na military pressure laban sa komunistang grupo.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *