sudanese president omar al-bashir
International

Sudanese President Omar Al-Bashir nagbitiw matapos ang ilang buwang pagprotesta

TULUYAN nang nagbitiw ang Sudanese President na si Omar Al-Bashir.

Matapos ang halos apat na buwang pagprotesta laban sa kanyang 30-taong diktadoryang pamumuno sa bansa.

Sa kasalukuyan ay nasa house arrest ang 75-year old ruler at nasa ilalim ng masusing pagbabantay.

Sa ngayon ay kontrolado ng militar ang mga lansangan at tulay ng bansa at inaasahan na maglabas ito ng pahayag sa telebisyon na pagmamay-ari ng pamahalaan.

Inatas naman ng Sudan Intelligence Agency ang pagpalaya sa lahat ng mga political prisoner ayon sa ulat ng official news agency ng bansa.

Nagsimula ang protesta noong nakaraang Disyembre dahil sa maling pamamalakad ng pamahalaan ni Al-Bashir sa ekonomiya.

Dahilan ito upang tumaas ang presyo ng pangunahing bilihin.

Inakusahan naman ng International Criminal Court si Bashir ng war crimes at genocide dahil sa ginawa niyang kalupitan sa Darfur.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *