National

Stock ng bigas ng NFA, ipapa-audit

Magsasagawa ang policy making body ang National Food Authority (NFA) ng auditing sa ahensya.

Kasunod ito ng mga napabalitang hindi sapat ang stocks ng NFA rice.

Sa pulong balitaan sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City, sinabi ni Undersecretary Ariel Cayanan na naglabas na ng resolusyon ang mga miyembro ng council na i-audit ang pagbili at distribusyon ng bigas ng NFA.

Winelcome naman ito ni NFA Administrator Jason Aquino para mabigyan aniya ng linaw ang mga isyu sa ahensya.

Ipinaliwanag ni Aquino na magkakaiba ang distribution levels sa mga lalawigan at munisipalidad dahil ang kanilang daily consumption ay magkakaiba rin.

May mga lugar din aniya na mataas ang poverty incidence kaya mas malaki ang distribusyon dito ng NFA rice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *