Stephen Curry
Sports

Stephen Curry, muling magpapakitang gilas sa larangan ng golf

Magpapasiklab sa pangalawang pagkakataon ang Golden State Warrior Guard na si Stephen Curry sa darating na Web.Com Tour sa August 9 sa Hayward, California.

Ang 30-anyos NBA star na si Curry ay una ng lumahok at naglaro noong nakaraang taon sa Ellie Mae Classic na naka-shot sa round na 74-74.

Sa naging pahayag ni Curry sa tournament, aniya tinanggap siya ng buong-buo ng Web.Com noong 2017 at excited na itong bumalik sa tournament na kung saan binigyan siya ng mga exciting experience.

Maglalaro si Stephen Curry bilang amateur na may O handicap index. Ayon na rin sa pahayag ng Golf Handicap and Information Network.

SMNI News

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *