Stephen Curry
Sports

Stephen Curry, bibisita sa bansa

Inaabangan na ng mga Pilipinong tagahanga ni Golden State Warriors Stephen Curry. Ang magiging 3-day tour nito sa bansa sa darating na September 6-8.

Ang nasabing pagbisita ng 6’3 Guard na si Curry ay parte ng pang-apat na Asian tour nito. Para sa apparel firm na kanyang iniindorso.

Giit pa ng 30-anyos na basketbolista na excited na itong bumalik sa Pilipinas upang i-celebrate na din ang kanilang third NBA title kasama ang mga Filipino fans.

“I can’t wait to return to Asia with Under Armour and celebrate our third title with my fans in the Philippines.” – Stephen Curry

Matatandaang unang bumisita si Curry noong 2015 matapos nilang magkampeon sa NBA.

Ayon naman sa weartesters.com, bibisita din ang NBA Star Stephen Curry sa Wuhan, China. Sa September 8-10 at sa Tokyo, Japan sa September 10-12.

SMNI News

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *